Miyerkules, Hunyo 8, 2011

Flores De Mayo Song Tagalog (Part I)

Yamang tayo'y narito na
Sa lupa ng Siera Santa
Aba tayo'y Nangagsama
At nang ating Makita
Ang Krus.....
Ni Jesus na Ama 
Na Isinakop sa sala
Isamu natin lahat ng 
Maginoong Nag-iingat

Mga sama giliw ngayo'y aba tayo
Lumakad ng Tuloy
Dumalaw sa Templo
(Lalakad patungo sa likod ng kubol na kinalalagyan  ng Krus)
Ito na ang lugar sinasabing reyno
Paghanapin natin ang krus ni kristo

(Sagutang Awitan)

Judea:

Mga biinyagan at mga taong banal
Kami ay dungawan ituro ang daan
Ituro ang daan sa taong naliligaw
Ituro po ninyo hindi namin alam

(Dalawang asa likod)

Alin kayo’t sino naliligaw rito
Sa’n ang bayan ninyo sampung pagkatao

Judea:

Kami ay inanak, inapon ni Eva
Na walang liwanag dilim ang nakita

Kaming nagsidating na mga Judea
Alagad ni kristo’y bininyagang lahat
Mga taong ito na nagsisitiwalag
ang krus ni Kristo’y siyang hinahanap


(Dalawang asa likod)

Kung ang inyong hanap ay Krus nang Mesiyas
Dulog kayo’t Yakap sa Krus na marilag
(Ang dalawa ay pupunta sa harap ng Krus at yuyukod sabay balik sa linya)

O krus na marikit kami po’y lalapit
 Purihin ka naming ng buhat sa dibdib
Sa lahat ng oras lagging nasasambit
Yaong kapurihan na lubhang marikit

O Krus na nabaon na sa habang panahon
Ang nakapgsunson si Elenang Poon
Sa San Jerusalem walang nakapagtugon
Kung hindi iginiba ang bundok na yaon

Ang bundok na yaon ay nang magiba na
Doon na nakita ang krus na bendita
Ang lahat ng sangkap doon din nakita
Tuloy manikluhod sila’y nagsisamba
(yuyukod sa harap ng krus)

(Uupo lahat)
Alabadusya sa larosagrada
Ale ale luya o Krus na Bendita
Purihin ang lahat ating iipagsaya
Ale ale luya o Krus na bendita

(Tatayo)





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento