Miyerkules, Hunyo 8, 2011

Flores De Mayo Song Tagalog (Final >>>DULOG<<<<)

"MGA ESTREBILLO"

Ang Etrebillo ay kinakanta kasunod ng bawat dulog, mayroong estrebillo na pumapatungkol sa kung anong patron ng barangay katulad ng sa patron ng Sta. Theresa na siya kung susundin dito. Ang dulog ay pwedeng gawin ng maraming beses ayon sa napagkasunduan...Sa bawat dulog ay isang klase lang ng Estrebillo lang ang kinakanta..pumili na lang sa mga nasa ibaba...

I
Oh Santa Theresa patron ng Barangay
Kami'y Umaasang Iyong Sasamahan
(Repeat 2x)
Sapagkat ikaw po'y
Siyang nagtatangan nitong Pilipinas
At sa aming Bahahahahahayan...
(Repeat 2x)

II
Sa Ilog ng Cedron ay mayroong isang batis
Na binubukalan malinaw na tubig
(Repeat 2x)
Doon naglalaba ang Birheng Marikit
Damit Nyaring Niño Bunsong Iniiiiibig...
(Repeat 2x)

III
O krus kang naging bituin
Naging Tala kang maningning
Nang si Jesus ay hilahin
Sa lansangan ng Jerusalem
(Repeat 2x)
O krus kang nakabibigat
Lumulubog sa Balikat
At lalo pang nakadaragdag 
Sa sala ng taong lahat
(Repeat 2x)


"MGA AWIT SA DULOG"

I
Tayo'y magsidulog sa Poong Santa Krus
At ang Kamahala'y ating ipagbatog
Tararararararran.....
(Repeat 2x)
Ihandog I-----alay ang galang na Puspos
Tayo'y managpuri tuloy manikluhod
(Repeat 2x)

(ESTREBILLO)

II

Sa lahat ng kahoy ikaw ang gumanda
May tatlong bulaklak at apat na letra
Tararararararararan...
(Repeat 2x)
Ang idinadahon at ibinubunga
Ay si Jesu Kristong sumakop sa sala
(Repeat 2x)

 (ESTREBILLO)

 III
 Sa mahal na Krus ay nagpapa-alam
 Kaming nilingkod mo na kay Kristong kawal
 Tararararararan.........
(Repeat 2x)
 Umaasang kami'y iyong sasamahan
 Hanggang sa sumapit paraisong bayan
 (Repeat 2x)

 (ESTREBILLO)


TAPOS...!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento