Miyerkules, Hunyo 8, 2011

Flores De Mayo Song Tagalog (Part III Pag-aalay ng Bulaklak at Adios)


(Tuhog na bulaklak)
Tuhog na Bulaklak sadyang sal-it sal-it
Sa mahal Mong noo ay aming isasabit
Lubos ang Pag - asa at sa iyo'y pananalig
Na tatanggapin mo hadog na pag-ibig 
 
(Kanta sa Pag-aalay)
Itong bulaklak na aming alay
Nang aming pagsintang tunay
(Yuyukod)
 Palitan mo o Birheng Mahal
Nang Tuwa sa Kalangitan
(Yuyukod)

(PANGSAL - ITANG AWIT LAGING SUSUNDAN NG TUHOG NA BULAKLAK)

 I
O Mariang sakdal dilag
Dalagang lubhang mapalad
Tanging Pinili sa lahat
Na ang Diyos Haring Mataas 

(Tuhog na bulaklak)
(Pag-aalay ng bulaklak)
II
Buwang ito'y mahalaga
At lubhang kaaya-aya
Pagkat sa iyo o Senyora
Na hahain sa pagsinta

(Tuhog na bulaklak)
(Pag-aalay ng bulaklak) 
 
III
Samasagana mong awa
 Walang di mananariwa
 Tuyong  kahoy na nagdaragta
Kung ikaw ang mag-alaga

(Tuhog na bulaklak)
(Pag-aalay ng bulaklak) 
 
IV
Nangalanta naming puso 
Sa kasalana'y natuyo
Birheng Ina'y tulungan mo po
Sa pagsisisi sa Inang tanto
 
(Tuhog na bulaklak)
(Pag-aalay ng bulaklak)
V
Ang mga natutuyong kahoy
Na nilanta na ng panahon
Pawang sumisibol ngayon
Sa pagsinta sa iyo poon

(Tuhog na bulaklak)
(Pag-aalay ng bulaklak)

VI
Araw at mga pananim
Ay pawang nangagniningning
Na Anaki'y mga bituin
Sa tulong mo Inang Birhen

(Tuhog na bulaklak)
(Pag-aalay ng bulaklak) 
 
VII
Ang dating di namumunga
Nang mga panahong una
Ngayo'y nangagpapakita
Ng mababa mong sampaga
(Tuhog na bulaklak)
(Pag-aalay ng bulaklak)
PAGKATAPOS MAG-ALAY NG LAHAT NG BULAKLAK
ADIOS NAMAN ANG KASUNOD
Poong Santa Krus na mahal
Kami sa iyo'y paalam
Kung sakali at may buhay
Bukas naman kami ay dadalaw
(repeat 2x)

Ayantanaleryo Jasmen Asuzena
Nagsipamukadkad ngayong para-para
Magsinugay tayong lahat na
Sa Krus ni Jesus Na Ama
(Repeat 2x)

Adios reyna del cielo
Madre del salvador
dulce prenda aclamada
demi sensir amor
Adios reyna del padri
Mile dencia ami amor
Adios so madre mia
Casta esposo Adios

Adios reyna del padri
Mili dencia pador
dulce prenda aclamada
Adios Adios Adios




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento